Artsíbo ng Kagila-gilalás

Tabi Po, Isyu 1 & 2 (2014) ni Mervin Malonzo

tabi po

KAGAYA NG MARAMI, una kong nabasa ang Tabi Po ni Mervin Malonzo sa internet. At tulad din siguro ng marami, nauna akong namangha (at nainggit!) sa magkakasabay na karahasan, katatawanan, at kapangahasan ng mga salita’t larawan doon. Salamat at inilabas ang bersiyon nito bilang mga aklat noong isang taon. ۞Basahin

Ang Hudhud ni Aliguyon (Ifugaw)

banawe

Ang payaw ng mga Ifugaw. Kuha ni E. Narvaez noong Disyembre 2012.


DI TULAD NG KARANIWANG EPIKO, halos walang kagila-gilalas sa “Ang Awit sa Tag-ani ni Aliguyon” na inawit ni Hinayup Bantayan ng Burnay at nalathala sa Antolohiya ng mga Panitikang ASEAN (1983). Masasabing napakapraktikal ng daigdig na ginagalawan ng epikong ito ng mga Ifugaw, sapagkat umiinog sa ekonomikong transaksiyon at katatagan sa likod ng mga digmaan at pag-aasawahan. ۞Basahin

Norte, Hangganan ng Kasaysayan (2013) ni Lav Diaz

Screen Shot 2015-01-16 at 11.45.06 PM

HABANG NASA BILIBID, nananaginip si Joaquin na dinadalaw niya ang kaniyang mag-iina sa probinsiya, lumilipad siya sa ibabaw ng mga pananim, sa tabi ng dagat, at saka sinisilip ang asawa’t nahihimbing na mga anak mula sa labas ng bahay, subalit hindi siya makalapit. ۞Basahin

Niloloob ng Nobela ang Tula, o ang Makata bilang Nobelista

niloloob ng nobela ang tula

[BINASA KO ANG SANAYSAY na ito sa pagbubukas ng serye ng mga panayam bilang pagdiriwang ng ikalimang taon ng Pinoypoets noong 2009. Ginanap ang panayam sa Ortigas Foundation Library noong 28 Pebrero 2009.] ۞Basahin

The Descartes Highlands (2014) ni Eric Gamalinda

The Descartes Highlands

ISANG TIYAK NA LUNAN sa buwan ang Descartes Highlands––dito lumapag ang misyong Apollo 16 ng Estados Unidos noong 1972. Nang taon ding iyon, idineklara naman ang Batas Militar sa Filipinas. Sa nobelang The Descartes Highlands ni Eric Gamalinda, pagkakataon ang mga iyon upang muling pagmunian ang relasyon ng dalawang bansa sa pamamagitan ng Amerikanong si Andrew Brezsky na napadpad sa Filipinas para takasan ang giyera sa Vietnam. ۞Basahin

Maikling Pambungad sa 1001 Kagila-gilalás

FullSizeRender copy

PALAGI’Y SINISIYASAT KO ang ugnayan ng akda at realidad na pareho kong kinasasadlakan sa sandali ng pagbabasa. Subalit hindi lamang ang mundo sa labas––ang inuupuan, ang pahina ng aklat, ang hangin at lamig ng paligid, ang lahat ng dinaranas nang tuwiran at di-tuwiran ng mga pandama––ang bumubuo sa realidad ko. ۞Basahin

Eight Muses of the Fall

eight-muses-of-fall (1)

ANG EIGHT MUSES OF THE FALL ang salin sa Ingles ng una kong nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog na inilathala ng Anvil Publishing noong 2013. Sina Mikael de Lara Co at Sasha Martinez ang nagsalin, na longlisted sa Man Asian Literary Prize noong 2009. May kasamang mga guhit ni Gem Leonard Boy ang edisyong ito. ۞Basahin

Mula sa Probinsiya

2013-01-01-17-01-19

NAGMULA ITO SA DATING BLOG, at ilan sa mga larawang kinunan ko lang sa lumang iPad noong dalawin ko sina Mama at Papa sa kanila noong Enero 2013. ۞Basahin

#MgaPanayam at #MgaPalihan 2014

FullSizeRender

ITO ANG IKALAWANG BAHAGI ng aking 2014 in Review. Matapos ang pag-alala sa mga #BiyahengPinas sa labas ng Maynila noong nagdaang taon, narito naman ang ilan sa #MgaPanayam at #MgaPalihan na ibinigay ko, pormal man o impormal. May ilang overlap dito sa nauna, dahil panayam ang isa sa pangunahing dahilan ng mga naging biyahe ko. ۞Basahin

Tungkol sa Rebisyon

Revise Janus

NITONG NAGDAANG TATLONG araw, nagri-revise ako ng ikalawang aklat ng Janus Sílang, ang Si Janus Silang at ang Digmaang Manananggal-Mambabarang. Narito ang ilang realisasyon samantalang hinaharap ang rebisyon. ۞Basahin

Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela

halos_isang_buhay_by_zamboink-d57jfqz

ANG HALOS ISANG BUHAY: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela ang aking ikaanim na aklat, at inilathala ng UST Publishing House noong 2012 bilang katuwang na aklat ng ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909. ۞Basahin

#BiyahengPinas 2014

FullSizeRender

DAHIL MASYADONG LIMITADO ang mailalagay sa Year in Review ng Facebook kaya dito na lang. At dahil maraming maaaring balikan, unang bahagi pa lang ito, at listahan lang ng mga naging biyahe ko sa loob ng bansa nitong nagdaang taon. ۞Basahin

Bagong Taon, 2015

IMG_7468 2

BIHIRA AKONG MANGAKO. Dahil kapag nangako ako, pinapanindigan ko––kahit para sa sarili ko na lang, sakaling nakalimutan na kahit ng pinangakuan ko. ۞Basahin

Mahirap Akong Maging Kaibigan

2014-12-12 16.41.33
MADALI AKONG MAGING KAIBIGAN. Minsan, sa unang pagkikita pa lang, ramdam ko na kung makakasundo ko ang isang tao. Parang lukso ng dugo. Parang nakikilala ng loob ko ang hindi maipaliwanag basta-basta ng katuwiran. Parang matagal nang kaibigan, nakalaro’t nakaiyakan noong bata, at ngayon lang ulit nakita. Sa loob ko, nalulusaw ang mga taon ng matagal na pagkakahiwalay. Puwedeng maupo uli’t mag-usap na parang kahapon lang naputol ang pagkukuwentuhan. ۞Basahin

Sa Kasunod ng 909

sa-kasunod-ng-909

ANG SA KASUNOD NG 909 ang ikalawa kong nobela, na inilathala ng UST Publishing House noong 2012. Naparangalan ang nobela ng Juan C. Laya Prize for Best Novel in a Philippine Language sa National Book Awards noong 2013, gayundin ng Outstanding Creative Work mula sa Loyola Schools ng Ateneo de Manila University nang taon ding iyon.
۞Basahin

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers