101 Kagila-gilalás na Nilaláng

nilalang_product-shot 2

UNA KONG AKLAT NA SANGGUNIAN ng mga kagila-gilalás na nilalang sa Filipinas ang 101 Kagila-gilalás na Nilaláng na inilathala ng Adarna House ngayong 2015. Mabibili na ang aklat sa mga book store at sa mismong website ng Adarna. Tigib ng larawan ang aklat na likha nina  Leo Kempis Ang, Sergio Bumatay III, Mico Dimagiba, JC Galag, Kat Matias, Jap Mikel, Harry Monzon, Stephen Prestado, Conrad Raquel, at Borg Sinaban. Maaaring tingnan at idagdag ang aklat sa iyong GoodReads account dito. ۞Basahin

Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

cropped-janus-silang-tiyanak-ng-tabon-cover-02-14-141

UNA SA SERYE ng aking nobelang YA na nakatuon sa buhay ni Janus Sílang ang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon na inilathala ng Adarna House noong 2014. Maaaring mabasa ang unang kabanata nito sa TALArchives.net at sa Wattpad. ۞Basahin

Eight Muses of the Fall

eight-muses-of-fall (1)

ANG EIGHT MUSES OF THE FALL ang salin sa Ingles ng una kong nobelang Walong Diwata ng Pagkahulog na inilathala ng Anvil Publishing noong 2013. Sina Mikael de Lara Co at Sasha Martinez ang nagsalin, na longlisted sa Man Asian Literary Prize noong 2009. May kasamang mga guhit ni Gem Leonard Boy ang edisyong ito. ۞Basahin

Halos Isang Buhay: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela

halos_isang_buhay_by_zamboink-d57jfqz

ANG HALOS ISANG BUHAY: Ang Manananggal sa Pagsusulat ng Nobela ang aking ikaanim na aklat, at inilathala ng UST Publishing House noong 2012 bilang katuwang na aklat ng ikalawa kong nobelang Sa Kasunod ng 909. ۞Basahin

Sa Kasunod ng 909

sa-kasunod-ng-909

ANG SA KASUNOD NG 909 ang ikalawa kong nobela, na inilathala ng UST Publishing House noong 2012. Naparangalan ang nobela ng Juan C. Laya Prize for Best Novel in a Philippine Language sa National Book Awards noong 2013, gayundin ng Outstanding Creative Work mula sa Loyola Schools ng Ateneo de Manila University nang taon ding iyon.
۞Basahin

Walong Diwata ng Pagkahulog

walong-diwata-ng-pagkahulog

WALONG DIWATA NG PAGKAHULOG ang una kong nobela, na inilathala ng Anvil Publishing noong 2009, at nagkaroon ng ikalawang printing noong 2010. Nagwagi ang nobela ng NCCA Writer’s Prize noong 2005, at na-longlist sa Man Asian Literary Prize noong 2009 ang salin nito sa Ingles bílang Eight Muses of the Fall nina Miakel Co at Sasha Martinez. ۞Basahin

Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay

yehey

ANG PAG-AABANG SA KUNDIMAN: ISANG TULAMBUHAY ang una kong aklat ng tula, matapos ang chapbook na Isa na Namang Pagtingala sa Buwan. Inilathala ito noong 2006 ng Office of Research and Publications (ORP) ng Ateneo sa ilalim ng direktor nito noong si Karen Cardenas o Ma’am K.  ۞Basahin

Isa Na Namang Pagtingala sa Buwan

FullSizeRender

ANG ISA NA NAMANG PAGTINGALA sa Buwan ang una kong aklat ng tula, isang chapbook na inilathala bílang bahagi ng Ubod New Authors Series ng National Commission for Culture and the Arts noong 2005. ۞Basahin

Uuwi na ang Nanay Kong si Darna!

uuwinaspread

INILATHALA NOONG 2002 ng Adarna House ang aklat-pambata kong Uuwi na ang Nanay Kong si Darna! matapos magwagi ng kuwento sa PBBY-Salanga Writer’s Prize. Ito ang kauna-unahan kong libro, at out-of-print na ngayon. Si Russell Molina, na nagwagi naman ng PBBY-Alcala Illustrator’s Prize, ang lumikha ng mga ilustrasyon para rito. Maaari mong i-Like ang libro sa Facebook Page nito. ۞Basahin

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers