Tabi-Tabi Po…

11049561_855196897932667_8133464875048310747_n

Lumabas ito sa isyu ngayong Nobyembre 1 ng Philippine Panorama ng Manila Bulletin. Salin ito ni Jacky Oiga sa ilang sipi mula sa aklat kong 101 Kagila-gilalás na Nilaláng na inilathala ng Adarna House ngayong taon. ۞Basahin

Basta, ‘Tay

2015-04-11 19.19.49 2

BILANG PAHABOL sa pagdiriwang ng Araw ng mga Ama, narito ang isang tula na nalathala sa aklat kong Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambúhay. ۞Basahin

May Okey pa ba sa Filipino?

2015-01-17 17.39.04

[Nauna kong binasa ang sanaysay na ito para sa Blue Bag Talks ng Loyola Schools noong 20 Setyembre 2006 sa harap ng ilang kapwa-guro sa Ateneo. Napapanahon pa rin sa ngayon sa harap ng usapin ng pag-aalis ng Filipino sa kolehiyo sa maraming pamantasan bunsod ng CHED Memorandum Blg. 20–2013.] ۞Basahin

Niloloob ng Nobela ang Tula, o ang Makata bilang Nobelista

niloloob ng nobela ang tula

[BINASA KO ANG SANAYSAY na ito sa pagbubukas ng serye ng mga panayam bilang pagdiriwang ng ikalimang taon ng Pinoypoets noong 2009. Ginanap ang panayam sa Ortigas Foundation Library noong 28 Pebrero 2009.] ۞Basahin

Mahirap Akong Maging Kaibigan

2014-12-12 16.41.33
MADALI AKONG MAGING KAIBIGAN. Minsan, sa unang pagkikita pa lang, ramdam ko na kung makakasundo ko ang isang tao. Parang lukso ng dugo. Parang nakikilala ng loob ko ang hindi maipaliwanag basta-basta ng katuwiran. Parang matagal nang kaibigan, nakalaro’t nakaiyakan noong bata, at ngayon lang ulit nakita. Sa loob ko, nalulusaw ang mga taon ng matagal na pagkakahiwalay. Puwedeng maupo uli’t mag-usap na parang kahapon lang naputol ang pagkukuwentuhan. ۞Basahin

Ang Salarin

2014-12-19 13.11.12

ISA ITONG TULA NA nasulat ko ngayong taon, bandang Pebrero, at nahalukay sa Evernote app noong christmas party sa LIRA at kinailangang magbasa ng tula. Hindi ko pa ito naipakikita sa iba o naipapasa para malathala dahil pakiwari ko’y hindi pa ako handang muling magpabasa ng mga tula. ۞Basahin

Kay Mariang Makiling

2014-10-06 08.41.34

NALATHALA ANG TULANG ITO sa aklat kong Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay (ORP, 2006), at bahagi ngayon ng mga babasahin sa Filipino para sa Grade 7 ng bagong kurikulum ng K–12 ng DepEd. ۞Basahin

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers