*Very* Limited Edition ng Tularawan

Sa launch ng Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay sa March 15 simula 6:30 ng gabi sa Conspiracy Bar sa Visayas Avenue, magbebenta kami ng very limited edition na Tularawan.

tularawan

Para saan ito?

Una, marami sa mga akda ko, nobela man o tula, ay nauuna kong isinusulat-kamay sa isang journal o talaarawan. Tulad nito:

journal

Ikalawa, nakapaglalathala ang Librong LIRA sa pamamagitan ng tulong-pinansiyal ng mga kaibigan ng sining at panitikan na hindi kasapi ng LIRA. Halimbawa, ang aklat kong ilulunsad sa susunod na Martes ay ginawang posible ng tulong nina Caloy Diaz, Rafael Reyes, Gigi Lopez Puno, at Alvin & Gavin Teng.

Kaya naman, isang fund-raising din itong Tularawan para matiyak na makapaglalathala pa ang Librong LIRA ng ibang mga aklat na may kinalaman sa tula at pagtula.

Ano naman ang makukuha ninyo mula rito?

Maliban sa pagiging tagasuporta ng panitikan, heto ang dalawang bagay:

  1. Magiging personalized ang mga bawat Tularawan dahil susulatan ko ng isang orihinal na tanaga bilang pag-aalay ang unang pahina ng iyong tularawan na ginagamitan ng dalawang salita na ikaw mismo ang nagbigay.
  2. Kapag napuno mo na ng mga sarili mong tula o anumang akda ang binili mong Tularawan, maaari mong ipabasa ang mga iyon sa akin para makapagbigay ako ng isang hapon ng one-on-one workshop sa iyong mga isinulat o kasama ang ilang kasapi ng LIRA na bahagi ng Librong LIRA team.

Para sa mga ito, nagkakahalaga lamang ng PHP500.00 ang Tularawan. At dahil very limited ang kopya nito, available lamang ito sa mga dadalo sa mismong araw ng launch. Kung sigurado kang pupunta at makukuha ang kopya sa araw ng launch, maaari kang magpa-reserve ng kopya ng Tularawan sa akin mismo sa [email protected] Maraming salamat at magkita-kita tayo sa March 15!

*Nasa 3.5 inches x 5.5 inches ang laki ng Tularawan, at may 30 leaves (60 pages).

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 76 other followers

%d bloggers like this: