Raffle ng out-of-print 1st edition ng “Pag-aabang sa Kundiman” at ng hard-to-find companion book nitong “Walong Diwata ng Pagkahulog”

book raffle

SA BOOK LAUNCH ng bagong edisyon ng Pag-aabang sa Kundiman: Isang Tulambuhay  sa Marso 15 sa Conspiracy Bar, magkakaroon ng raffle ng mga libro kong masasabing companion books ng aklat. Narito ang mechanics ng raffle:

♠ Lahat ng bibili ng ilulunsad na aklat ay may isang raffle entry para sa Eight Muses of the Fall, ang salin sa Ingles nina Mikael de Lara Co at Sasha Martinez ng Walong Diwata ng Pagkahulog, na longlisted din sa Man Asian Literary Prize noong 2009. Kasalukuyan itong mabibili sa mga bookstore sa halagang PHP595.00.

♠ Lahat ng bibili ng higit sa isang kopya ng aklat ay may isang raffle entry para sa bawat dagdag na kopyang bibilhin. Ang bawat entry ay maaaring ilagay sa raffle para sa Eight Muses of the Fall na binanggit sa itaas, o sa: 1) raffle para sa hard-to-find na Walong Walong Diwata ng Pagkahulog, o 2)  raffle para sa out-of-print at collector’s item na unang edisyon ng Pag-aabang sa Kundiman. Napakahirap nang makakita ng kopya ng kopya ng Walong Diwata at wala nang available na orihinal na Pag-aabang kahit sa mismong publisher nito.

Personal kong kopya ang mga librong ira-raffle, at naisip kong gawin para rin hikayatin kayong bumili ng bagong aklat hindi lamang para sa sarili kundi para rin sa mga kaibigang hindi makadadalo sa araw ng launch pero gustong bumili ng libro, o para ipanregalo sa kanila. Gusto mo bang nireregaluhan ka ng aklat ng tula? Pero ikaw, kailan ka huling nagregalo ng aklat ng tula?

At siyempre, discounted din ang libro sa mismong araw ng launch, kaya magkita-kita sana tayo! Narito ang link ng FB event page kung saan maaaring mag-confirm para sa iba pang anunsiyo ng mga pakulo sa mga susunod na araw (yes, marami pa kayong aabangang anunsiyo bago ang launch!). Narito naman ang invite image na maaari ninyong i-share sa inyong social media accounts:

Kundiman_invite

Nasulat ko sa halos magkaparehong panahon ang Pag-aabang sa Kundiman at Walong Diwata ng Pagkahulog, at sa tingin ko ay magandang tingnan bilang magkatambal na aklat, umiinog sa magkakahawig na temang may kinalaman sa mismong proseso ng paglikha, at sa iba’t ibang anyo ng paglisan at pag-uwi na nagtutulak sa isang tao upang magsulat. Tungkol din ang mga ito sa mga maaari at di-maaari sa pagmamahal at pag-aalay ng sarili sa iniibig.

Maraming salamat sa Librong LIRA na nagtiwalang maglathala ng bagong edisyon ng aklat na ito.

4 Comments on “Raffle ng out-of-print 1st edition ng “Pag-aabang sa Kundiman” at ng hard-to-find companion book nitong “Walong Diwata ng Pagkahulog”

  1. Sir Egay,

    Maaari po ba kayo na makapanayam sa Email, Facebook o SMS kung hindi maaari na personal para po ito sa asignatura ko? Pabili din po ng aklat na may dedikasyon kung personal ang panayam.

    Salamat.

    Ez Khan, dps

  2. Pingback: Lunsad-aklat: Pag-aabang sa Kundiman – Librong LIRA

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers

%d bloggers like this: