Raffle #2: Light ni Rob Cham + Pugad Baboy 7 ni Pol Medina Jr.

raffle2header

Ito ang ikalawang Rafflecopter giveaway rito sa Artsíbo ng Kagila-gilalás. Magsisimula ngayon ang pa-raffle hanggang sa hatinggabi ng Linggo, 26 Hulyo 2015. I-click lang ang link ng Rafflecopter giveaway para malaman kung paano makilahok at magpadala ng entries.

Kahapon, matapos magbigay ng maikling panayam sa #NCBD2015 bilang bahagi ng Philippine Children’s Book Summit sa Elements at Centris, niregaluhan ako ng NBDB at PBBY ng bagong librong Light (Anino Comics, 2015) ni Rob Cham. Pero dahil matagal na akong may personal na kopya nito kaya napagpasyahan kong ipa-raffle ito (bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Aklat Pambata na Umuulan ng Libro!) kasama ang isa pang ekstra kong kopya ng Pugad Baboy 7 ni Pol Medina Jr. Brand new ang kopya ng komiks ni Cham, previously owned naman ang kopya ng libro ni Medina Jr.

Narito ang mismong kopya ng mga maaaring mapanalunan. Ipadadala ang mga ito sa mananalo sa pamamagitan ng 2Go o LBC, o maaaring kunin sa akin nang personal sa aking opisina sa Ateneo.

raffle2prizes

 

UPDATE: Si @Sinworth sa Twitter ang nagwagi sa raffle sang-ayon sa random na raffle ng mismong Rafflecopter platform. Naipadala na sa pamamagitan ng LBC ang mga libro, at noong 28 Hulyo ay nagpadala ng mensahe si @Sinworth na natanggap na niya ang mga libro.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 71 other followers

%d bloggers like this: