Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

cropped-janus-silang-tiyanak-ng-tabon-cover-02-14-141

UNA SA SERYE ng aking nobelang YA na nakatuon sa buhay ni Janus Sílang ang Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon na inilathala ng Adarna House noong 2014. Maaaring mabasa ang unang kabanata nito sa TALArchives.net at sa Wattpad. Maaari ring i-Like ang FB page ng Janus Silang Series para sa updates, o basahin ang mga rebyu ng nobela sa GoodReads. Maaari ring tingnan ang mga tweet tungkol sa nobela gamit ang #JanusSilang.

Kasama ang aklat sa “6 Filipino YA Books Everyone Should Read” ng Pacifiqa. Isa rin ito sa mga rekomendasyon ng Pinoy Yuppie sa “10 Tips to Make the Most Out of the Manila International Book Fair.” Sinipi rin ni Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario ang nobela sa kaniyang panayam tungkol sa “Mga Halimbawang Teksto sa Pagbabago at Kasaysayan ng Ortograpiyang Tagalog.” Si Borg Sinaban ang nagdisenyo ng pabalat ng nobela.

Narito ang nakalagay bilang teaser ng nobela sa back cover ng libro:

Sa tournament ng TALA Online sa bayan ng Balanga, namatay ang lahat ng manlalaro maliban kay Janus. Sunod-sunod pa ang naging kaso ng pagkamatay ng mga kabataan sa computer shops sa iba’t ibang panig ng bansa. Kinontak si Janus ng nagpakilalang Joey, isa rin umano sa mga nakaligtas sa paglalaro ng TALA na gaya niya. Hindi inasahan ni Janus ang mga matutuklasan niya mula rito na mag-uugnay sa kaniya sa misteryo ng kinahuhumalingan niyang RPG––at sa alamat ng Tiyanak mula sa Tábon!

Narito naman ang blurb ni Manix Abrera, creator ng Kikomachine, na nakalagay rin sa back cover ng libro:

Grabe! Isa siya sa mga pinakanakakatakot at pinakanakakakilabot na kuwentong nabasa ko. May mga sandaling tumitingin ako sa likod ko habang nagbabasa dahil seryosong tumataas ‘yung balahibo ko. Ang saya nung sobrang hindi mo alam kung saan patutungo at kung ano ‘yung mangyayari sa kuwento. Sunod-sunod ang mga pangyayaring pagpapawisan ka sa taranta at kaba pagdating sa dulo. Ang pagsisisi lang ay ‘yung pagkatapos mo nang basahin, sobrang hirap nang matulog.”

Noong 27 Abril hanggang 3 Mayo 2014, nagkaroon ng blog tour ang aklat na curated ng Xi Zuq’s Nook at nilahukan ng sampung bloggers. Nagtampok ang blog tour ng cover reveals, first chapter previews, author interviews, guest postings, at book reviews. Nagkaroon din ng pa-raffle ang naturang blog tour, at narito ang mga nagwagi sa raffle.

Noong 4 Mayo 2014, itinampok ni Ruel S. de Vera ang aklat sa isang feature article, ang “Modernizing a Mythical Monster,” na nalathala sa Sunday Inquirer Magazine. Nagkaroon din ng feature article ang Heights ng Ateneo na nagtampok sa Janus Silang, ang “Crafting Worlds with Edgar Samar.” Kasama rin ang aklat sa mga naitampok sa artikulo ng The Guidon tungkol sa YA novels, sa “Bringing the Genre Home,” na nalathala noong 20 Agosto 2014.

Isa sa mga unang rebyu ng aklat ang sanaysay ni Louie Jon A. Sanchez, ang “An odyssey to the indigenous in Janus Silang,” na naunang nalatala sa Philippine Graphic. Narito ang ilan sa mga sinabi ni Sanchez (LJ sa mga kaibigan) tungkol sa nobela:

What is more remarkable is the fact that the novel redeems the tiyanak from the Christianized imagination of this unnerving creature. …

Janus sings a new myth for young adult Filipinos on the cusp of change.  With the awareness that the portal of the epoch is the world wide web, Samar emphasizes through the novel—and most probably, through the novels to come—that the recovery of certain “national” memories is but a strategic return to the originary meanings of the word “entertain”—to keep up, to maintain, to hold together.

Nagkaroon naman ng paglulunsad ang libro sa iba’t ibang venue mula noong Mayo 2014. Maliban sa mga ito, nagkaroon din ng book discussion tungkol sa nobela kasama ang mga kasapi ng PRPB o Pinoy Reads Pinoy Books sa Fully Booked SM North The Block noong 24 Mayo 2014, na itinampok ng kaibigang manunulat na si Bebang Siy sa kaniyang blog. Nagkaroon din ng BooKuwentuhan sa Xavier Nuvali noong 15 Hulyo 2015; isa ang Xavier Nuvali sa mga unang nag-require ng Janus Silang sa kanilang mga estudyante.

Nakarating na rin ang nobela sa iba’t ibang bansa, dahil sa mga kaibigan at mambabasa roon, tulad ng pagtatampok ni Gilbert Monfero sa nobela sa kaniyang blog na Gibo-log noong 1 Oktubre 2014.

May ilang video rin ang mga estudyante na mula sa interpretasyon nila ng nobela, tulad ng nasa ibaba:

ILANG REBYU SA WEB

  • Mula sa rebyu ng Legendarby noong 23 Enero 2015: “Ayaw kong basahin ito noong una pero nang simulan ko ay ayaw ko ng bitawan. … Ang galing din ng twist ng istorya. Hindi ko mapigilan ang mga emosyon ko sa mga huling yugto …. ‘Yun nga lang medyo nakakabitin.”
  • Mula sa rebyu ng Pakwanstripes noong 2 Nobyembre 2014: “All in all, Janus Silang is a wonderful (scary) read. It has a great plot, what I think a Young Adult book should be. I loved Samar’s writing style and how he revealed all those plot twists that left my mouth open in surprise.”
  • Itinampok sa “Filipino Friday” ng Kingdom Cow noong 23 Oktubre 2014 ang nobela bilang “my favorites [include] Edgar Calabia Samar’s Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon for the awesome blending of lower mythology, history, technology, and creepy moments (The tiyanak asking Janus, “Naaalala mo ba ako?” — *shudder shudder*)…”
  • Mula sa rebyu ng Fathomless Reveries noong 6 Oktubre 2014: “For me, Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon is absolutely perfect, except for the fact that it ended cliffhanging. Imagine my shock when I reached the ending. I was like, ohmycrap, this did not just happen. I really can’t wait for the next instalment, and I hope more Filipino YA novels such as this will be published.”
  • Mula sa rebyu ng A Jellicle Blog noong 31 Mayo 2014: “Ito ang kauna-unahang nobelang Tagalog na binasa kong nakabukas lahat ng ilaw sa kwarto at malakas ang volume ng TV. Maya’t maya’y lumilingon ako sa likuran ko’t, sinusulyap ang dilim sa labas ng bintana.”
  • Mula sa rebyu ng Taking a Break noong 16 Mayo 2014: “It has an interesting take on local folklore, it’s easy to read, and it’s very engaging… But it takes so long for readers to finally get to that interesting part. … I just hope readers didn’t give up before they got to said interesting part first.”
  • Mula sa rebyu ng Brewed Thoughts noong 5 Mayo 2014: “I never thought to be so affected by something I was only remotely curious of when I saw a friend’s pic of the book a couple of days ago. And now I have to say that I experienced the worst case of book hangover. … This is absolutely the best book I’ve bought this year in this genre by far.”
  • Mula sa rebyu ng Ficsation noong 3 Mayo 2014: “Janus Silang ticks all the right monomyth boxes. But it does not lag in action nor is it comfortable with predictability.”
  • Mula sa rebyu ng Library Mistress noong 3 Mayo 2014: “It is exciting, thought-provoking and action-packed… I just hate I need to wait until November for the second book.”
  • Mula sa rebyu ng Tsa-Tsub! noong 29 Abril 2014: “Walang ibang salita kundi nakakakilabot. Umaga ko pa binasa yun, hanggang nung gabi ay nakipaghabulan ako sa tulog. Hindi ko mahagilap.”
  • Mula sa rebyu ng Teacher’s Pet noong 29 Abril 2014: “This might be good reading for Filipino classes. Themes could revolve around Philippine folklore, history and culture. Students and teachers may also discuss why gaming is so popular among students (I actually find the decision-making factor inRPGs soooo interesting!). … Si Janus Silang at Ang Tiyanak ng Tabon was a good first book for what could possibly be a bestselling series in the Philippines.”
  • Mula sa rebyu ng OutrageousWriter.Org noong 28 Abril 2014: “Edgar Calabia Samar’s Si Janus Silang at ang Tiyanak ng Tabon is what you get when you mix the excitement of video games and the fright of supernatural creatures.”
  • Mula sa rebyu ng Bookmarked! noong 27 Abril 2014: “Janus Silang is off to an awesome start, and I look forward to reading his next adventures.”

22 Pebrero 2015 | 2:19 nh

8 Comments on “Si Janus Sílang at ang Tiyanak ng Tábon

  1. Pingback: Di-Nalathalang Panayam sa Pagsusulat ng Janus Sílang | Artsíbong Atísan

  2. Naalala ko pa rin yung kwento sa tuwing nakikita ko yung sariling kopya ko nung libro, sana malapit na rin yung susunod na libro. Hihi! A must read.:)

  3. Pingback: #NCBD Blog Tour 2015: Ang Dream Date Ko | Artsíbo ng Kagila-gilalás

  4. Pingback: Apat na Mukha ni Janus Sílang | Artsíbo ng Kagila-gilalás

  5. Pingback: Ang Pagbabasá sa Komiks bílang Disiplina, Part 1 | 1001+ Nobelang Komiks

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 68 other followers

%d bloggers like this: